Get Updates Straight To Your EMail!


October 4, 2017: Murder Incident at McArthur Bridge Sta Cruz (Photowalk to Manila Bay)





04 Oktubre 2017

Nasa bandang 4.30 ng hapon (Oktubre 2) nang nakita ko na may eksena sa McArthur Bridge sa Carriedo Sta. Cruz, Manila. Balak ko sana magsimula na mag photowalk doon hanggang sa makarating ng Pedro Gil, Manila Bay.

Nagkaroon ng matinding trapiko doon sa tulay at kaunting usad pa ng jeep ay nakita ko na may ambulansya at mga pulis na nasa paligid.

Balak ko sana na bumaba at alamin ang nangyari, pero mabuti pa na hayaan ko na lang ang mga nag imbestiga at baka ako pa ay maka obstruct sa kanilang imbestigasyon.

Nakita ko lang din sandali na may isang lalaki na nakadilaw ang duguan at patay sa tabi ng tulay (nasa gitna ito ng McArthur Bridge). Hindi ko na lang kinunan ng larawan ang eksena bilang respeto sa biktima.

Ngayong araw, lumapit po sa amin ang kapatid ng biktima upang isalaysay sa akin ang nangyari:

Taga Montalban sila, at ang biktima ay naglalakad sa tulay upang dalawin ang tita nila sa Sta. Cruz. Nasa bandang alas dos ng hpon, Oktubre 2, Lunes, nang mangyari ang insidente ayon sa kapatid ng biktima.

Wala naman daw sila kaaway at wala naman daw dahilan or suspect para maging sanhi ng insidente.

Ayon po sa kapatid ng biktima, wala daw lead na makita at walang CCTV footage upang tukuyin ang gumawa nito.

Ang tao po na nasa larawan, siya nga po yung nakita ko noong Lunes. Ang larawang ito ay pinadala ng kapatid ng biktima.

Sa mga may alam po or nais makatulong sa pamilya ng biktima, paki contact na lang po dito: www.facebook.com/richie.novabos


# # # E N D # # #

0 comments :

Post a Comment

 

About me

The Nikon D5200 as my weapon of choice.

Vintage lenses are my poison.

Kindly hit on the blue CONTACT button at the lower right corner of this page to get in touch for collaboration.


Google+ Followers

FB Feed

Contact Form

Name

Email *

Message *